Friday, February 18, 2005

ang peyborit kong tivoli....at ang alaala ni Arthur...

tuwing uwian noong hiskul,lagi kami ng bestfriend ko sa supermarket na katapat lang ng school namin. laging tatambay dun at maguusap na parang d kmi magkasama ng buong araw.kahit walang pasok, dahil malapit lang ang bahay namin sa isa't isa at sa supermarket, lagi kaming bibili ng tivoli umaraw man o bumagyo.hindi kumpleto ang araw na hindi kami kumakain ng tivoli.sabihin na nating naadik kami sa masarap na lasa ng vanilla ice cream na nababalutan ng nakakaadik na tsokolate.haaay,nakakamiss..sana meron pa nun sa Yamaguchi!
Higit sa lasa ng ice cream, ay mas masarap balikan a ng pag-uusap at mga kasama mo habang enjoy na enjoy ka sa pagkain. Kasama ko pa ang best friend ko hanggang ngayon pero kung di dahil sa blog nya ang simpleng pag-alala ko sana sa peyborit naming ice cream ay lumalalim pa. Mas namimiss ko ang masasayang kwentuhan kasama siya at ang isang taong malapit sa puso namin na nag-nagngangalang Arthur.
Oo,panget.Miss ko na ka-ungguyan mo!)
Matagal ng wala c Arthur pero buhay na buhay pa rin ang kanyang ala-ala.Naalala ko pa ang biro niya na pag-namatay daw siya ay magpapakita siya sakin na luwa ang dalawang mata na parang isang jack in the box na nag-pop sa kanyang box.kahit takot ako sa multo inaantay ko pa rin na gawin nya nga yun dahil alam kong imbes na matakot ay matatawa lang ako.
Sa mga oras na ang buhay ay sing dilim ng ulap pag bumabagyo,lagi siya anjan para pasayahin ang malungkot naming mood.Miss ko na ang pambabara at pangunglit na madalas naming ikinapipikon dahil sobra na.Miss ko na ang kabaklaang gesture nya ng pag-punas ng ilong in which ganun daw dapat magpunas ng ilong ang mga babae.Di ko rin malimot ang laki ng subo nya sa pagkain at ang kanyang katakawan na may magandang side naman dahil pag nagutom ako pwede ko cya yayain kahit pa wala ng space ang pagkain sas tyan nya.Ang laging nanjan para patawanin kami at pakinggan kahit dis-oras na ng gabi.

Pero mas namiss ko ang taong parang kuya na ang turing ko.

*_* sana kumakain pa ako ng tivoli sa mga oras na to.....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home