Friday, May 19, 2006

DVC

DVC...hindi ito pirated version ng DVD, ang tinutukoy ko ay ang Da Vinci Code.Ano nga ba ang meron at tila takot na takot ang ilang sekta ng lipunan na maipalabas ito sa bansa?

Napanood ko siya kagabi.ano ang masasabi ko?Eh di wala!As in wala namang dapat ikabahala sa movie dahil walang direct assault na ibinato sa Vatican, sa Catholic Church at sa kung sino pang affected. Sa totoo lang, napaprapring lang ata sila at ganyan sila ka-OA mag-isip.Well sige, given na dapat may malawak na pagiisip ang mga taong manonood nito upang lubusang ma-identify na ang pinapanood nya ay pawang fiction lamang. Whether you have read the book or not, all would still make sense.Sabi nga ni PJ maganda ang cinematography. Isa lang ang nagustuhan ko sa movie yung lalagyanan ng code.Whatever the name is hindi ko alam yung spelling.Hehe.Basta yun, ang cool kasi ganito yan, isa cyang cylindrical container na may 5 rows with 26 letters each row.Tapos sa loob may naka-roll na papyrus containing your secret and if you force to open it, the vinegar inside would dissolve the papyrus needless to say with your secret in it.Saan kaya nakakabili nun.Parang gusto ko nun.....
Anyways, na-isip ko lang, eh ano naman ngaun kung nagkaroon ng sexual relationship c Jesus with Mary Magdalene. It does defy the teachings of the Church about Jesus being all so Pure and Divine. pero, eh ano naman ngayon.It's somehow comforting, di ko maexplain why pero parang ganun.Parang yung song na "What if God was one of us...." It still would not make me convert into another religion or become an atheist if that was true.Maybe they fear that their credibility would falter thus people would not believe them or follow them anymore.Maybe...

What would you do if you find out that you're God's descendant? Hmmmm...
I think....
1. I'd try to walk on water.Not on sea but on a wading pool filled with water.
2. I'd try to turn water into coke. (Hindi naman ako umiinom ng alak eh)
3. I'd try to multiply a BigMac to feed seventy times seven people. (Hehe)
4. I'd cure the sick from their ailments. (Charitable naman ako kahit papano)
Cool diba? pero can I sacrifice my life to save Humanity?I don't know....

Sabi ni Tom Hanks, "What would you do if you find out your a descendant of God?renew your faith or babalewalain mo lang?" basta ganun...nakalimutan ko exact words eh...
Ako?I'd renew my faith.
Eh pano naman kung meron ngang descendant of God?Renew your faith or drop it because the Church has lost its credibility?
Renew you faith pa rin ako.Baka tumibay pa lalo, knowing that God is physically with us. Hindi sa hindi cya strong talaga.As I said comforting.Parang ung favorite pillow mo gamit mo when you sleep,If wala un, hindi ka na makatulog ng masarap.

Parang mali ang wordings ko.Having studied for one decade in a Catholic School, I have onced memorized all the peayers and even the Litany to the Virgin Mary(ang LItany po ay yung tinatawag mo lahat ng saints and sacred artifacts to pray for you, it is recited after the rosary).I remember one sister telling me that the Church is not the physical structure of stone and cement we go to for worship.The Church is the heart of every Christian/Catholic who believe in God. sabi nung pari sakin nung nagconfess ako nung Holy Week, kung may mga bagay na nalalaman ka na bago sa naituro sayo, maging open ka sa pagunawa pero dun ka pa rin sa pinaniniwalaan mo dahil ito ang magpapatibay sayo. O,pari na nagsabi nyan. Share ko lang.

*habang sinusulat ko tinawanan ako ni Joseph,cguro dahil sa intro ko.nagpretend ako na badtrip.pero hindi ako badtrip.pag pinatulan ko trips nya mawawala sa kawalan ang mga nais kong i-blog.writers mood ata tawag dun.naks!writer na ko? nah! i don't think so....:D

0 Comments:

Post a Comment

<< Home