Monday, May 29, 2006

siguro....

ano ang feeling ng may malubhang sakit, much more ng may cancer? ano kaya nafeel nila bago na-confirm na may cancer sila?cguro kung may pera ka, ang isa sa papasok sa isip mo ay uubusin mo lahat ng pera mo para mapagaling ang sarili mo. eh pano kng wala ka namang pera, ano ang gagawin mo? ano kaya pumapasok sa isip ng isang taong walang pera at may cancer? siguro takot sila kasi mahirap na sakit un, siguro naiiyak sila araw-araw kakaisip kung pano gagaling, cguro hindi sila makatulog o makagawa ng maayos kakaisip sa sakit na sila, siguro may mga araw na iniisip nilang ayaw na nilang mabuhay, siguro nang hihinayang sila sa buhok nila na nalagas dahil sa chemo,siguro.... ewan ko...hindi ko alam...wala ako sa position nila para mag-assume. kung ako siguro may symptoms ng cancer, matatakot ako, iiyak, malulungkot, masestress, mapapagod....siguro...

*currently feeling scared and alone

0 Comments:

Post a Comment

<< Home