Tuesday, March 15, 2005

the fire within...


The truth is, girls like to feel special. It doesn't really matter what you do as long and you make them feel special. Romance is doing something out of the ordinary. Just do something different and fun and surprising and she'll love it.

no matter how cheesy it may seems everything would fall pecfectly into place given the proper timing.

romance is not just a mere fantacy created by hopeless romantic dilussionals like me.its one factor in a relationship that we would want to have somehow.it may not be important to others but its something that makes the magic alive between a couple.

i thought that having a relationship would be like a fairy tale come true.early on i realized that commitment is not just that.you have to face the realiy that it is a two way street and that the world would not just simply revolve around you.i do not regret entering a relationship,i am just wondering, is it just me or is something really going on that i just cant figure out what?

HE is a very rational/practical person.Defies silly traditions like fussing over valentines day and other cheesy stuffs that hopeless romantics fall for.by now,you must probably be wondrin why were still together.friendship is the foundation of a very strong relationship.let romance and passion slip away but as long as there is love,care and trust for the person you dont fall apart that easily.it takes a wise person to understand that.

maybe im becoming too demanding.maybe im creating my own problem.why am i the only one feeling it?the magic is still there but it feels like its not as warm as it used to be.maybe its just me.i was afraid to accept this,but it always comes out,the only difference is i dont know what it was then.imagine a lighted candle bring coldness instead of warmth.the more i tried to bring it back,the more he gets oblivious to the things i do.

i alone am trying to rekindle the warmth that i felt was lost but i cannot seem to find a work around...maybe because he does not know...
i tried giving hints but maybe its far beyond logical understanding...

Cupid help me....

Friday, March 11, 2005

................

feelin down...so low...couldnt even pick myself up to smile just for a lil while....if ull ask me why...i wish i could tell you...i just dont know...feel all so blue...

Friday, March 04, 2005

ninakaw ang cellfone ko!bwist!

Wed morning...ginicng ako at cnabing ninakaw daw ang cellphone.lintsak na yan!pano mangyayari un e nasa tabi ko lang ung cel ko.pag kapa ko sa ulunan ko...shit!wala nga dun ung cellfone.anak ng tokwa..sumunod akong bumaba sa mommy ko.Ano nga ba ang nangyari..nagkwento agad ang lola ko,lumabas daw cya na iniwan ang pintuan na bukas...ang pakialamero ko namang kapatid na cyang kumuha ng cellfone ko ay nagpunta sa cr.pag balik ng lola ko galing bakery may nakasalubong dw cyang lalaki galing sa bahay,sabay tanong na ano daw ginagawa nya dun...syempre hindi sasagot ung lalaki...ayun.kumaripas ng takbo!mabangga sana cya!bwisit cya!nanggigigil ako sa inis na hindi ko naman alam kung kanino ko ibubuntong.iniyak ko ang inis hanggang sa mamaga ang mata ko.bwist!may lakad pa naman din ako.sasabihin mo ngaun sakin na cellfone lang un...oo nga e..cellfone lang un na binili ko gamit ang credit card na hindi ko pa nahuhulugan kahit piso..ngaun,magbabayad ako sa isang bagay na wala sakin.bwisit tlga!mamatay na lahat ng mga magnanakaw sa mundo...ang daming tumatakbo sa isip ko na wala namang katuturan..oo,kinukwestiyuan ko pati Diyos kung bakit kung sino pa ang wala ng pambili cya pa ung mananakawan...ewan ko ba...asar tlga!

pumunta ako sa skul nanamamaga ang mata dahil kailangan ko na matapos ang clearance ko para makapag martsa na ako sa May.maaus na ang lahat.konting pirma na lang.kumain kmi sa kfc ng bestfriend ko at nalibang ang sarili ko para di ko na maalala kahit sandali ang ninakaw kong cellfone.pagkatapos kumain ay tumawag ako sa mommy ko at sinabing dumiretso na daw ako sa NTC upang ipa-block ang fone ko.bago umalis ng SM,napagtripan namin ng bestfriend ko na itry ang bagong ice cream ng McDo...ang King Cone.ano ang lasa ng King Cone.simple lang naman.imagine ung hot fudge sundae na nilagay sa waffle cone at tinusukan ng mini-champola.presto..king cone na!habang kumakain ng king cone,nagpaxerox kami ng ID ko at ng resibo ng cellfone ko.haay...dumaan kmi sa opisina ng mommy ko para kunin ang xerox ng ID nya dahil sa kanya ung credit card na ginamit.pagkatapos nun pumunta na kami sa sucat para sumakay ng bus papuntang fairview dahil hindi daw alam ni armi papunta dun kung MRT ang sasakyan namin.

sa sucat tatawid....
ooops..bawal na nga pala mag jay walking,muntik ko na gawin...pagkatawid namin sa kabilang kalye, may nakasalubong kaming mga bata na papunta naman sa side na binabaan namin.nagulat na lang kmi ng biglang nagmura ung isa.shit!ang lutong magmura...tinangay kami pareho ni armi.naghanap agad kami ng bus papuntang fairview,nagtanong ang mconductor ng isang bus kung san daw kami...sabi namin sa fairview..sabi ba naman na wala daw fairview na dumadaan dun sa ortigas na lang daw kmi sumakay.bwisit cya!ang layo pa ng ortigas sa QC!after one minute,may duamting na bus sa likod lang ng bus ng makulit na conductor na biyaheng SM fairview.alanghiya!wala daw fairview dun eh no!sakay kaagad kmi at ngsabi sa conductor na ibaba kmi sa EAST TRIANGLE...kung saan man un..sabi ng conductor..sa may PHILCOA un sa CITY HALL...ok..kung dun lang un..kabisado na namin ang daan...ehehehe..

sa bus papuntang QC...
2 oras kami nakaupo sa bus..nakakangalay ng sobra...nahuli pa ang bus ng MMDA dahil oras na noon ng meryenda,kailangan ng manghuthot sa drivers na matyempuhan nila.kamalasang palad ung bus pa sinasakyan namin ang natripan ng mamang MMDA.bwisit na mga pulis yan!
pagdating ng bus sa QC,tumingin agad kmi sa mga pangalan ng building at alam naming hindi rin alam ng conductor kung san kami ibaba.sa sobrang boredom lahat na pinansin namin.pag tapat sa SSS building,

conductor:"O Census na to..ung baba jan ng Census.."
Ako:"eto b ang Census?"
Armi:"ewan ko,bat parang iba ung itsura ng pinuntahan namin?"
Ako:"loko din tong conductor eh no...SSS building to e..."


*pagtapat namin sa Philippine Mental Association
Ako:Armi,baba ka na..sabi naman kc na wag ka tatakas e
Armi:kaw kc e,malala na kondisyon mo,papasok na kita jan.
-may aleng bumaba-
Ako:tignan mo,papasok yang babae sa mental...
Armi:cra,lumiko e...
Ako:style nya lang yan para d natin makita napapasok cya jan..
Armi:baka bibili muna ng pagkain sa jollibee...
T_T

*pagbaba ng bus sa Philcoa
Ako:knino tayo magtatanong?
Armi:kahit kanino....
-nakakita ng mamang naka-barong pababa ng overpass-
Ako:
excue me..san ho ung papuntang NTC?
Mama:NTC?ung sa cellfone?
Ako:oho..pano pumunta dun?
Mama:Ahhh..NTC...samin un e...tumawid kau sa kabila tapos sakay kau ng bus papuntang cubao sabihin nyo agham road.
Ako:salamat ho

*paakyat ng over pass
ako:ang yaman nung mama
armi:huh?
ako:sa kanya daw ung NTC e...

*pagdating sa Agham Rd
ako:
ano tryk tau?
armi:cge,para d tau mawala
-sabay kita sa pinakaunang building sa agham rd...-
armi:un pala eto na ung NTC eh no..nag tryk pa tau...
-oo nga!un nga ang NTC!sayang ang 10 piso ko...-

*pagpasok sa loob
guard:
san ho kayo?
ako:papablock ng fone.
guard:pasok lang ho kau sa OAC... office
ako:ok

*sa loob ng office
officer:
ano un?
ako:papablock ng fone?
officer:xerox ng ID tsaka box ung kailangan..
-nilabas ko ang kailangan at nagsagot ng application form-
armi:
ron,after nito stresstabs ka na?
ako:mukha na ba akong stressed?
usisero:maganda ba ung stresstabs?
ako:aba!malay ko!bata pa ako e...d ako gumagamit nun.
usisero:ah tlga,ilang taon ka na ba...18?
ako:wow!18 daw ako
officer:ilang taon ka na?
ako:20 na ho
-inakala na ata na under legal age ako...-
officer:
akyat kau ng 3rd floor,bigay mo sa legal dept.

*pagbukas ko ng pinto sa legal dept
PA:*
ting ding ding ding*
T_T wow automatic!akala ko may magsasalita ng "Welcome to our legal dept....blah blah blah...." un naman pla...
PA:
ung mga may kotse sa parking lot pakiusog lang po at magppractice ang ating volleyball team.
T_T nyek!kala ko pa naman din automatic na...

*sa legal dept
girl:2 weeks bago mablock ung fone
ako:ha?bakit ang tagal?
girl:marami kc nawawwalan din ng cell everyday e.
ako:nyek!pano ko malalaman na block na ung fone?
girl:tawag ka dito after two weeks.
T_T anak ng tokwa!napakinabangan pa ng 2 linggo ang cellfone ko!

*papuntang MRT
ako:san tau sasakay?
armi:tanong ulit?
-tanong sa aleng mukhang mmda-
ako:pwede ho magtanong?san ho ba ung sakayan ng pinakamalapit na MRT?
ale:jan sa GMA
ako:malapit lang ho ba?pwede lakarin
ale:oo,pwede
ako:tara mi lakad na tau.
ale:ano?malau...sumakay kau ng jeep.
-sabay para ng ale sa jeep at cnabi sa driver na ibaba daw kami sa MRT-

*pagdating sa MRT station
inakyat namin ang hagdan,wishing na hindi cya kasing taas ng stairs na nasa may Megamall.hindi na namin ginamit ang elevator sa dami ng tao na gusto ring sumakay.pagdating namin sa 2nd floor hingal hingal kami dahil ganun pala cya kataas.may isang stairs pa paakyat pero d na namin sinubukan sa sobrang tamad namin.pagtingin namin sa sign...."MONUMENTO".nyek!mali!dapat sa kabila kami para makapunta ng Ayala.hindi namin alam kung paano makaktawid papunta sa kabila kaya nagelevator kmi.nakadalawang ulit din kaming baba akyat dahil sa hindi kami nagtatanong kung pano makakatawid.talk about pride!alas!no choice na,nagtanong na rin kmi.un pala...ang last floor na knina pa namin tinititigan ang cyang magdadala samin sa kabila...haay buhay...elevator ulit paakyat..kaya lang masyadong hi tech ang elevator ng MRT,ayaw magsara at magbukas...hehehe..finally nakasalay kami sa MRT pero nakatayo kami since 2 oras din kaming nakaupo papuntang QC.pambawi kung baga.

*sa Ayala station
bumili kami ng mineral water at nagantay ng bus na magdadala samin sa Bicutan.anak ng tokwa walang masakyan...after 30 min of waiting...wala pa rin...nagdecide kami na magshuttle na lang pauwi.naglibot sa makati hanggang mapagod ang mga paa namin.actually naglibot for a reason naman.mahirap pala maghanap ng panyeta(isang maliit na suklay na ginagamit ng matatanda na nagsisilbing ipit nila sa buhok para hindi bumagsak ang bangs sa mukha nila.) para sa matanda.hehehe.umuwi kaming pagod ang paa at badtrip pa rin ako dahil sa bwisit na magnanakaw na kumuha ng cellphone ko!