Pag alaala
kaninang tanghalian ay tinanong ako ng aking ka-opisina kung ilan kaming magkakapatid,isinagot ko ang lagi kong sagot buhat ng kami'y mabawasan,"dating lima,apat na ngaun".sa maikling pamamaraan ay ikinuwento ko kung pano siya nauna at kinuha ng Diyos. sa tuwing maaalala ko ang bagay na yun, hindi ko maiwasang maramdaman ang sakit at galit dahil sa nangyaring iyon.
September 14,2000, nagbike ang kapatid ko sa kahabaan ng Ninoy Aquino Ave, papunta sa opisina ni mommy upang tumambay lang sa harap ng opisina na siyang kadalasan nyang ginagawa.sa kasamaang palad,nahagip ang kapatid ko ng isang rumaragasang kotse sa harap ng Olive's plaza.walang traffic sa side ng daan na un,ni walang sasakyan.Nagdrive siya na parang siya ang may-ari ng daan.Tuwing babalikan ko ang alaalang yun, hindi ko maiwasang mapaiyak sa galit at lungkot dahil hindi ko pa rin matanggap ang pagkamatay ng kapatid ko.Sa tuwing sasabihin ng iba na buti naman daw at binalikan yung kapatid ko, kumukulo ang dugo at parang ang sarap sabihin na "DAPAT LANG!".
Nung mga panahong nakikipagareglo ang pamilya ng nakabangga samin,sumama ako dahil akala ko kaya kong magsalita at idiin ang kasalanang ginawa ng anak nila.Pumunta kami sa Max sa may Quezon Circle at duon nag-dinner kasama ng mga abogado namin at ung tatay nung nakabangga.mahigpit ang hawak ko sa tinidor at kutsilyo habang sinasabi nung tatay na nakatulala lang ung anak nya kadalasan dahil sa nangyari.sa isip isip ko nagustong gusto kong sabihin,"aba! eh ipa-mental nyo yang anak nyo kung mag-aasta cya na parang walang nangyari". no matter how much the father tries to tell us that his son is also suffering, it would not amount to the pain and grief that my family has experienced and is still experiencing.Maliit ang mundo alam ko,pero sana hindi na magkrus ang mga landas namin kahit kailan.
Ang pagkawala ng kapatid ko ay nagdadala ng sobrang daming alaala na may samut-saring emosyon.Nung unang araw ng burol nya,hindi ko cya sinisilip sa kabaong nya.nakita ko ang kapatid kong si Nico sa chapel na umiiyak.nilapitan ko ang kapatid ko at tinanong kung bakit cya umiiyak, bigla nyang sinabi sakin na "Namimiss ko si Kuya R-Gie...",biglang tumulo ang luha ko dahil di ko akalain na manggagaling yung mga salitang yun sa kapatid ko.
Ang pagkawala ng kapatid ko ay nagdadala ng sobrang daming alaala na may samut-saring emosyon.Nung unang araw ng burol nya,hindi ko cya sinisilip sa kabaong nya.nakita ko ang kapatid kong si Nico sa chapel na umiiyak.nilapitan ko ang kapatid ko at tinanong kung bakit cya umiiyak, bigla nyang sinabi sakin na "Namimiss ko si Kuya R-Gie...",biglang tumulo ang luha ko dahil di ko akalain na manggagaling yung mga salitang yun sa kapatid ko.
Si R-Gie ang sumunod sakin.Apat na taon ang agwat namin dalawa at siya ang favorite ng mommy,daddy at lola ko.Siya ang pinakamatangkad, pinakamaputi at pinakagwapo saming magkakapatid(chempre di ako kasam dun kasi babae ako).Siya rin ang pinakamabait.Si R-Gie ang taga ayos at tagalinis ng kwarto namin,taga-ayos ng mga gamit ni mommy sa dresser nya,tiga-bantay ni igie boy pag gusto maglaro sa labas,bodyguard ko pag nagsisimba,tagaremind sakin na bumili ng sampaguita para sa altar,tiga-gising ko pag fushigi yuugi na,tiga kuha ko ng tsinelas pag pagod ako galing CAT,at tigalipit ng pinagkainan sa lamesa.Si R-gie ang aming Kuya at joker,dahil hindi ka matatawa sa kwento nya kung di sa tawa nya.
simula noon,wala nag masayang birthday,pasko at bagong taon.sa tingin ko hindi na mabubura ng panahon ang sakit at lungkot na dulot ng kanyang paglisan.masakit sa loob ang bawat pagbuklat ng album,ang pagbisita sa sementeryo at pagcelebrate ng birthday nya.If time heals all wounds, ours is an exception.